Friday, 27 November 2015

Love


"Hiwalayan na kung di kana masaya walang gamot sa taong tanga kunndi pag kukusa"
Kung sa tingin mo eh wala ng kapunpuntahan yang lecheng relasyon na yan, lubayan mo na. kasi mas lalo mo lang pinatatagal ang pag hihirap mo. aminin mo nalang na walang forever sa ngayun!!!! malay mo naman bukas meron na!!! Hintay hintay ka lang.


"Pag di ka mahal ng mahal mo wag kang mag reklamo. Kasi may mga tao din na di mo mahal pero mahal ka so quits lang""

Tama naman bakit ba kasi ang tao eh ganyan, Nag rereklamo ka dahil nabasted or di ka pinapansin ng crush mo. pero yung me crush sayo at mga taong nag mamahal sayo di mo din naman nakikita. Yan tayo eh,,

,
Lahat naman na ng tao naransan ang baliwalain,Kung minsan nakakapagod na ang effort pero di naman na a appreciate , Yung tipong ginagawa mo na nga ang lahat halos ibigay mo ang buo mong panahon, pero parang wala pa din effect.
Siguro pala lang yang paborito mong ulam, kahit gaano pa yan kasarap pag araw araw mo naman kinakain dadating sa point na mananawa kadin. subukan mo naman ang ibang kind of effort,,,malay mo yung ibang effort pala nayun yung hinahanap niya diba???




 Kung minsan ang inaakala mong korni eh hindi naman tala,siguro hindi mo lang masakyan ang mga trip nila,,, or ikaw naman tong masyadong malalim kaya ikaw mismo ang hindi na makasakay sa usapan at sitwasyon.





Hindi naman talaga lahat ng gugustuhin natin eh mapapa saatin, lalo na sa love,Gusto mo xia ngayon kaya nag eeffort ka, Di nya na aapreciate kaya tumigil ka. Nakakilala ka ng iba tas nakakilala xia ng iba, Minahal mo yung nakilala mo pero hinahanap nia sa nakilala nia yung ginagawa mo dati,then narealize nia na mahal ka nia, at narealize mo na hindi mo xia mahal.So naramdaman nia yung naramdaman mo dati.. so quites lang diba???






Tandaan mo!!! Sumama ka sa mabuti hindi sa mabait at sa marunong di sa matalino.At Higit sa lahat sa mahal ka at hindi sa gusto ka,Ang mabait pansamantala lang yan posibleng pinapakita lang dahil sa nag papa impress. Ang talino kaalaman lang yan sa isang bagay or maybe sa school para magpasikat,unlike sa marunong in  general yan,kaya niyang humanap ng paraan sa mga mahihirap na sitwasyon at marunong xiang magdla ng relasyon. At xempre sa mahal ka at di sa gusto ka,Pag gusto kalang nia not means sa buo mong pagkatao magugustuhan nia, pero pag mahal ka nia handa niyang tanggapin kung sino kang talga.


 Ang bulag di natin masisisi kung di sila makakita, Pero ang mga nakakakita di mo alam kung kelan sila nag bubulag bulagan, alam na nila na nakakasakit sila or nasasaktan ,wala silang pake alam. siguro dahil na rin sa pan sarili nilang interest.



Pag nagtalikuran kayu at nag hiwalay, kailangan nyong ikutin ang buong mundo kung para sa muli nyung pagkikita, Kaya di sa lahat ng pag kakataon small world, Kaya bago kayu mag talikuran mag isip isip kayu,kasi sa tatahakin niong landas.marami xiang makikilala na higit sayo at marami kang makikilala na higit pa sa kanya.




Hindi ka mag mamahal ng pangalawa kung talagang loyal ka at mahal mo yung una, siguro yung inaakala mong pag mamahal mo sa pangalawa eh pahahanap lang ng kakulangan sa una.
tandaan mo na mas kilala mo yung xia at ang hinahanap mo eh kakulangan lang nia.pero pag iniwan mo xia mas malalaman mo na mahal mo pala xia at hindi mahalaga ang kakulangan nia dahil mas maraming bagay sa kanya na kailan man di mo makikita sa iba...

Motivational



Ikaw,ako tayo... Napakaswerte natin,dahil naranasan natin at na enjoy ang ating kabataan nakapaglaro at nakapag aral. Subukan mong tumingin sa paligid mo at malalaman mo na napakaraming bata na sa halip mag laro eh, nag hahanap buhay, at sa halip na mag aral eh, nasa lansangan at namamalimos para sa pagkain at para mabuhay,

Habang tumatanda ang tao,, maraming mga pag subok,,susukatin ang lakas at tatag mo, at di mo namamalayan na ang bawat pag subok na nalalampasan mo, mga bagay na nagpapatatag sayo. marami kang natututunan sa bawat challenges mo sa buhay,,,Kaya wag kang susuko dahil tandaan mo na sa pag suko mo..hindi hihinto ang ikot ng mundo para lang makiramay sayo.




Hindi naman dahil na nag kamali ka, Wala ng paraan para maitama ito,,,Kaya nga namigay ng kunsensya ang diyos para malaman at maitama mo bawat pagkakamali mo. Pero tandaan mo na ang pag kakamali eh di kasing daling itama gaya ng pagbuburo mo ng nagkamaling sulat ng lapis gamit ang sarili nitong pambura


Hindi naman sa lahat ng pag kakataon, malakas tayo, tandaan mo kahit ano pa ang mag yari tao padin tayo, Mayroong hanganan , mayroong limitasyon, Pero hindi ganon kadaling aminin na hindi mo na kaya. pero ang pag amin na ayaw mo na at suko kana ay isang malaking katapangan,


Add caption
" Mas mabuting mabigo sa pag gawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala"

Isa ito sa pinaka magandang linya na isinulat ni Bob Ong. Kasi mas mainam na subukan mong abutin ang isang pangarap o bagay na gusto mong gawin sa buhay mo. wala namang masama angsumubok...kesa matakot kang gumawa ng hakbang para dito at pag huli na ang lahat saka ka mag sisisi sa pag kakataon na pinalagpas mo. OO hindi ka nga nabigo dahil di mo naman sinubukan,,pero ang tanong nag karoon ka man lang ba ng pag kakataon para makamit mo ang nais mo???
kaya sa huli wala,, bigo ka pa din kung tutuusin isa ka pading talunan kung susumahin.
tandaan mo kaibigan ang pag kakataon minsan lang yan,, wag kang matakot gawin mo ang bagay na sa alam mo makakabuti at mag papasaya sayo,, Tandaan!!!! isa lang ang buhay natin.