Friday, 27 November 2015

Motivational



Ikaw,ako tayo... Napakaswerte natin,dahil naranasan natin at na enjoy ang ating kabataan nakapaglaro at nakapag aral. Subukan mong tumingin sa paligid mo at malalaman mo na napakaraming bata na sa halip mag laro eh, nag hahanap buhay, at sa halip na mag aral eh, nasa lansangan at namamalimos para sa pagkain at para mabuhay,

Habang tumatanda ang tao,, maraming mga pag subok,,susukatin ang lakas at tatag mo, at di mo namamalayan na ang bawat pag subok na nalalampasan mo, mga bagay na nagpapatatag sayo. marami kang natututunan sa bawat challenges mo sa buhay,,,Kaya wag kang susuko dahil tandaan mo na sa pag suko mo..hindi hihinto ang ikot ng mundo para lang makiramay sayo.




Hindi naman dahil na nag kamali ka, Wala ng paraan para maitama ito,,,Kaya nga namigay ng kunsensya ang diyos para malaman at maitama mo bawat pagkakamali mo. Pero tandaan mo na ang pag kakamali eh di kasing daling itama gaya ng pagbuburo mo ng nagkamaling sulat ng lapis gamit ang sarili nitong pambura


Hindi naman sa lahat ng pag kakataon, malakas tayo, tandaan mo kahit ano pa ang mag yari tao padin tayo, Mayroong hanganan , mayroong limitasyon, Pero hindi ganon kadaling aminin na hindi mo na kaya. pero ang pag amin na ayaw mo na at suko kana ay isang malaking katapangan,


Add caption
" Mas mabuting mabigo sa pag gawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala"

Isa ito sa pinaka magandang linya na isinulat ni Bob Ong. Kasi mas mainam na subukan mong abutin ang isang pangarap o bagay na gusto mong gawin sa buhay mo. wala namang masama angsumubok...kesa matakot kang gumawa ng hakbang para dito at pag huli na ang lahat saka ka mag sisisi sa pag kakataon na pinalagpas mo. OO hindi ka nga nabigo dahil di mo naman sinubukan,,pero ang tanong nag karoon ka man lang ba ng pag kakataon para makamit mo ang nais mo???
kaya sa huli wala,, bigo ka pa din kung tutuusin isa ka pading talunan kung susumahin.
tandaan mo kaibigan ang pag kakataon minsan lang yan,, wag kang matakot gawin mo ang bagay na sa alam mo makakabuti at mag papasaya sayo,, Tandaan!!!! isa lang ang buhay natin.

No comments:

Post a Comment